Higit 15,00 na ang kaso ng Sengue sa bansa simula Hulyo 20 hanggang Agosto 2, 2025.
Sa abiso ng Department of Health, mas mataas umano ito kumpara noong Hulyo.
Nagpaalala naman ang ahensya na sakaling makaramdam ng mga sintomas tulad ng pagpapantal, pananakit ng katawan at pagsusuka, agad na kumonsulta sa health center.
Tumaas rin ang kaso ng leptospirosis sa Quezon City simula noong Enero hanggang Agosto.
ADVERTISEMENT
Ayon sa Quezon City epidemiology and surveillance division, nakapagtala ang lungsod ng 55 na pagkasawi dahil sa leptospirosis.
Nagpaalala naman ang ahensya na iwasan lumusong sa bahay tuwing may sugat.



