DOE, tiniyak na handa ang fuel subsidy sakaling sumipa ang presyo ng langis

📅 June 27, 2025 11:20 AM PHT  |  ✏️ Updated June 27, 2025 11:20 AM PHT
👤 BALITANG A2Z  |  📂 Balitang A2Z, Latest News

Tiniyak ng Fepartment of Energy na handa ang gobyerno na maglabas ng fuel subsidy sakaling muling tumaas ang presyo ng langis sa mundo.

Ayon kay DOE OIC Usec. Sharon Garin, bumaba na ang pressure sa oil prices kaya mukhang malabo munang ma-trigger ang subsidy.

Batay sa patarakan ia-activate lang ang subsidy kung aabot sa 80 dollars kada bariles ang presyo ng Dubai crude.

Gayunpaman iginiit ni garin na ang mga pribadong oil companies ang bumibili ng langis at hindi ang gobyerno.