DMW, nagbabala sa OFWs laban sa lumalaganap na loan scam sa Facebook

๐Ÿ“…
๐Ÿ‘ค Dawn Pamulaya  |  ๐Ÿ“‚ International, Latest News, News Light

Nagbabala ang Department of Migrant Workers (DMW) sa mga OFW hinggil sa dumaraming loan scam na kumakalat sa social media, lalo na sa Facebook.

Ayon sa DMW, karaniwang modus ng mga pekeng lending companies ang paghingi ng bayad bago aprubahan ang pautang, ngunit bigla na lamang nawawala matapos makuha ang pera.

Sa pakikipagtulungan ng Securities and Exchange Commission (SEC), pinalakas ng DMW ang kampanya para protektahan ang mga OFW laban sa ganitong panlilinlang.

Binigyang-diin ng ahensya na ang mga lehitimong pautangan ay hindi naniningil ng anumang bayad bago maglabas ng loan.

ADVERTISEMENT

Hinimok din ng SEC ang publiko na gamitin ang SEC Check App upang i-verify ang mga financial entity online.