Paiimbestigahan ng pamahalaan ang lumalabas na substandard na gawa ng isa sa mga kumpanya ng mga Discaya na kinontrata para sa reconstruction ng Philippine Film Heritage building sa Maynila.
September 4 dapat nakumpleto ng great pacific builders ang phase 2 ng proyekto pero ayon sa Palasyo.
Dismayado umano si First Lady Liza Marcos matapos makita sa inspeksyon ngayong araw ang mga hindi pa natapos at mababang kalidad ng trabaho rito.
Samantala, nagbitiw na sa puwesto ang executive director ng Philippine Contractors Accreditation Board o PCAB.
ADVERTISEMENT
Kinumpirma ni Trade chief Ma. Cristina Roque na nagbitiw na si Atty. Herbert Matienzo sa harap ng lumabas na isyu sa pcab tulad ng bidding biddingan sa mga government projects.



