DILG, ipinagbabawal ang paggamit ng online gambling sa mga kawani ng ahensya at mga local official | News Light

📅  |  ✏️ Updated

Ipinagbabawal na ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang online sugal sa mga tauhan nito at sa mga DILG-attached agencies.

Bawal na rin ang online sugal sa mga opisyal at empleyado ng mga lokal na pamahalaan.

Isa ito sa mga hakbang ng pamahalaan para i-regulate ang online sugal sa bansa.

ADVERTISEMENT

Ayon sa Memorandum Circular 2025-082 ng DILG na inilabas nitong Martes, Agosto 12, nasisira ang tiwala ng publiko sa mga public servant na gumagamit ng online sugal.

Hadlang din umano ito para magawa ng mga public servant ang kanilang sinumpaang tungkulin.

Haharap sa kasong administratibo at kriminal ang mga kawani ng DILG at local government officials and employees na mapapatunayang gumagamit ng online sugal.

ADVERTISEMENT

Samantala, ikinatuwa ng ilang mambabatas ang hakbang ng DILG.

Para kay Senator Joel Villanueva, nasa tamang direksyon ang DILG sa pagbabawal sa online gambling sa mga elected at appointed officials.

Nanawagan din si Villanueva sa Civil Service Commission na ipagbawal ang online sugal sa lahat ng civil servants.

ADVERTISEMENT

Ayon naman kay CIBAC Representative Bro. Eddie Villanueva, dapat na manindigan ang administrasyong Marcos Jr. at ipatupad ang total ban ng online gambling sa bansa.