Iminungkahi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla ang isang “buy one, give one” scheme sa mga alkalde ng Metro Manila upang tugunan ang kakulangan ng police vehicles sa rehiyon.
Ayon kay Remulla, bawat sasakyang pulis na bibilhin ng mga lokal na pamahalaan ay tutumbasan ng isang yunit mula sa pambansang pamahalaan.
Binanggit ni Remulla na may malaking agwat sa bilang ng police vehicles: habang nasa 14 milyon ang populasyon ng Metro Manila, 635 pulis na sasakyan lamang ang nagagamit—samantalang ang Cavite ay may 801 na sasakyang nagagamit, sa kabila ng 4.5 milyong populasyon.
Plano rin ng DILG na bumili ng mas maraming motorsiklong akma sa kakayahan ng mga pulis, dahil 90% umano sa kanila ay marunong mag-scooter, pero kalahati lang ang marunong magmaneho ng kotse.
Kasama rin sa plano ang pagbili ng mini fire trucks para makapasok sa makikitid na daan sa mataong lugar.