DILG, iimbestigahan ang mga nanawagan ng pagpapatalsik kay PBBM | News Light

📅 November 18, 2025 1:42 PM PHT

Iimbestigahan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga personalidad na nanawagan ng pagpapatalsik kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa isinagawang rally noong Linggo sa EDSA People Power Monument.

Ang naturang mga indibidwal ay kasapi ng United People’s Initiative (UPI) na pawang mga retired military members.

Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, posibleng ituring na sedisyon ang pahayag ng ilang miyembro ng UPI, lalo’t panawagan din nila ang pagbawi ng suporta ng Armed Forces of the Philippines kay Pangulong Marcos Jr.

ADVERTISEMENT

Ayon pa kay Remulla, walang puwang sa lipunan ang naturang pahayag ng mga kasapi ng UPI, at tutukuyin ng ahensya kung sinong kailangang hatulan sa mga ito nang may due process.

Binigyang diin din ni Remulla na may freedom of expression ang mga nagpahayag ng pagpapataliksi sa pangulo, pero mapanganib aniya ang panawagang pagkalas ng Armed Forces of the Philippines.