DICT, tiniyak ang agarang pagkumpuni ng nasirang telecoms dahil sa Bagyong Uwan | News Light

📅 November 11, 2025 11:23 AM PHT

Libu-libong Pilipino ang nakaranas ng mabagal na koneksyon at iba pang palyadong telecom services dahil sa bagyong Uwan.

Ang ilan pa ng mga poste ng internet ay tuluyang nasira sa hagupit ni Uwan.

Pangako naman ng Department of Information and Communications Technology (DICT), agad nila itong lulunasan.

Tiniyak ng DICT nitong Lunes, na patuloy ang pagkukumpuni ng mga telco companies sa mga nasirang linya matapos ang pananalasa ng super typhoon Uwan.

ADVERTISEMENT

Ayon kay DICT Secretary Henry Aguda, ganap nang operational ang serbisyo sa Metro Manila, habang pinakamalubhang naapeektuhan ang Northern Luzon at Bicol Region.

Batay sa huling update ng ahensya, 71% na ng networks ang online, 54% sa Globe, 74% sa Smart, at 64% sa Converge.

Dagdag pa niya, inaasahang maibabalik ang normal na serbisyo sa buong bansa sa loob ng susunod na 24 hanggang 48 oras.