Muling maghahain ng diplomatic protest ang Pilipinas laban sa China dahil sa panibagong insidente ng pananakit at pangha-harass ng China Coast Guard at Chinese maritime militia sa barko ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Base sa ulat ng National Maritime Council, nakadaong ang tatlong BFAR vessel para tumulong sa mga mangingisdang Pilipino nang gumawa ng delikadong maneuver at nang-harass ang ang mga Chinese ships sa kasundaluhan ng Pilipinas.
Ayon naman sa Department of Foreign Affairs, binomba ng water cannon ng China Coast Guard ang BRP Datu Pagbuaya ng Bureau of Fisheries and Aquatic resources malapit sa Pag-asa island.
Kinondena naman ng European Union at ng Amerika ang ginawang aksiyon ng China at binigyang-diin na dapat ipaglaban ang freedom of navigation sa West Philippine Sea.



