Maghahain ng diplomatic protest ang Department of Foreign Affairs (DFA) kasunod ng pinakahuling insidente ng pangha-harass ng China Coast Guard (CCG) sa mga barko ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Linggo ng umaga nang makaranas ng “dangerous and provocative maneuvers” mula sa CCG at Chinese maritime militia vessels ang tatlong barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa Pag-asa Island.
ADVERTISEMENT
Sa dakong alas-9 ng umagang iyon, nagbuga naman ng water cannon sa BRP Datu Pagbuaya ang isang CCG vessel at sinadya pa itong banggain, dahilan upang magkaroon ng bahagyang pinsala ang barko ng Pilipinas.
Siniguro naman ni Philippine Coast Guard spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela na hindi sila mapapaalis ng ganitong pangha-harass at mananatili sila sa Kalayaan Island Group para sa mga mangingisdang Pilipino.



