Detour bridge sa Alcala, Cagayan, target matapos ng DPWH sa loob ng 2 buwan; traffic management sa iba pang lumang tulay, pinababantayan

📅
👤 BALITANG A2Z  |  📂 Uncategorized

Pinamamadali na ni DPWH chief Vince Dizon ang pagtatayo ng detour bridge para humalili sa gumuhong piggatan bridge sa Alcala Cagayan.

Personal na nag-inspeksyon si Dizon sa naturang tulay na napag-alamang bumagsak dahil sa overloading.

Lagpas kasi umano sa load capacity limit ng mahigit apatnapung taong gulang nang imprastraktura ang tatlong truck na dumaan nang gumuho ito.

Una nang sinabi ng Cagayan LGU na posibleng panagutin ang may ari ng naturang mga truck.

ADVERTISEMENT

Focus naman ngayon ang dpwh na hindi maulit ang overloading sa iba pang lumang tulay na may mababang kapasidad.