Dep’t of Agriculture, palalawigin ang rice import ban hanggang katapusan ng taon

📅 October 7, 2025 11:27 AM PHT

Palalawigin ng Department of Agriculture ang ban sa pag-angkat ng bigas hanggang katapusan ng 2025.

Ayon kay Agriculture chief Francisco Tiu Laurel Jr. sapat ang supply ng bigas sa bansa na may buffer stock na aabot sa 85 araw dahil nakalalagpas na sa 3.5 milyong metrikong tonelada ang na-import na bigas higit na mas mataas ito sa target ng 800, 0000 tonelada.

Matatandaang sinuspindi ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang pag-angkat ng bigas noong setyembre para protektuhan ang mga magsasaka sa panahon ng ani.

ADVERTISEMENT

Plano naman ng DA na payagan muli ang importasyon sa Enero at muling itigil mula Pebrero hanggang Abril para sa harvest season.

Samantala, inaantabayanan ng ahensiya ang executive order mula sa Malacañang na magtatakda ng floor price sa palay na hindi bababa sa P17 kada kilo.

Habang iginiit din ni house speaker faustino “Bojie” Dy the III ang pagtaas ng taripa sa bigas sa 35 percent mula sa kasalukuyang 15 percent para maprotektahan ang mga lokal na magsasaka.