Dep’t of Agriculture, nakahanda sa price freeze ng basic goods pagkatapos ng inaasahang pananalasa ng bagyong Opong ngayong weekend

📅  |  ✏️ Updated

Nakahanda ang Department of Agriculture na magrekomenda ng price freeze sa mga agri-fishery products at mga basic goods kung kakailanganin pagkatapos ng inaasahang pananalasa ng bagyong Opong ngayong weekend.

Ayon kay Agriculture Asec. Genevieve Velicaria Guevarra patuloy ang pagmo-monitor ng ahensya sa presyo para maiwasan ang pananamantala lalo na mula sa mga farmgate.

Sa inspection sa Paco at Dagonoy market, lumabas na nananatiling mataas ang presyo ng gulay gaya ng carrots at kamatis mula Benguet na pumapalo mula P200 hanggang P300 kada kilo.

Inaasahan pang tataas ang presyo sa pagdaan ng bagyong Opong na maaaring manalasa sa mga gulayan sa Luzon.