DepEd, naglatag ng plano upang maiwasan ang learning loss bunsod ng suspensyon ng klase | News Light

📅 July 4, 2025 12:25 PM PHT  |  ✏️ Updated July 4, 2025 12:26 PM PHT
👤 Newslight  |  📂 News Light, Latest News

Naglatag ang Department of Education (DepEd) ng mga hakbang bilang paghahanda sa posibleng class suspensions ngayong tag-ulan.

Sa Agosto 2025, papalitan ang pansamantalang silid-aralan sa high-risk zones ng mas matibay at mobile modular classrooms.

Ilulunsad din ang AI-powered system para matukoy ang geohazard risks at mapabuti ang contingency plans.

Binigyang-diin ni Angara ang maingat na pagdedeklara ng suspensyon ayon sa revised guidelines noong Disyembre 2024, na nagbibigay ng pahintulot sa mga punong-guro na magdeklara ng localized suspensions.

Isinusulong din ang learning and service continuity plans gamit ang self-learning modules, online platforms, ligtas na storage ng learning materials, at teacher training.

Inaasahang ilalabas din sa ika-15 ng Hulyo ang Omnibus Flexible Learning Policy para sa mas malawak na access sa edukasyon. (Edrei Mallorca/News Light)