Bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Teachers’ Month 2025, inilabas ng Department of Education (DepEd) ang mga bagong guidelines ukol sa pagbabayad ng overtime services ng mga guro.
Nilagdaan noong Setyembre 6, nakapaloob sa guidelines ang malinaw na proseso at pamantayan na susundin ng lahat ng opisina at paaralan ng DepEd upang maisakatuparan ang pagbabayad ng overtime services.
Binigyang-diin din ni Education Secretary Sonny Angara na kabilang sa mga programa ng DepEd ang pagbabawas ng school forms ng mga guro ng 57%, pag-hire ng administration officers para sa 40,000 pampublikong paaralan bago matapos ang 2026, at paglalaan ng ₱114.39 bilyon para sa personnel services sa FY 2026 National Expenditure Program.
Dagdag pa rito, pinabilis na rin ang pagproseso ng ₱7,000 medical allowance na maaaring makuha bilang HMO package o cash assistance.



