May malaking posibilidad na palawigin hanggang sa katapusan ng taon ang rice import ban.
Ayon kay Agriculture chief Francisco Tiu Laurel Jr., ito ang hiling ng mga local rice millers at traders.
Ito rin aniya ang napagdesisyunan ng pangulo na i-extend ito ng hindi bababa sa 30 araw pero posibleng mas humaba pa depende sa sitwasyon.
Bunga ang extension ng pagbagsak ng presyo ng palay kaya nakatakdang ilabas ang executive order na magbabawal sa mga LGU at ahensiya ng pamahalaan na bumili ng imported rice.
Samantala, magpapatupad naman ng price freeze sa bigas sa Eastern Samar at Masbate kaugnay ng pananalasa ng bagyong Opong.
ADVERTISEMENT
Magbebenta rin ang DA ng bigas sa halagang bente pesos kada kilo sa loob ng isang buwan sa mga nasabing lugar.
Tinatayang hindi aabot sa isang bilyong piso ang nasalantang agrikultura dahil sa bagyo.



