
Tinapyasan ng Department of Agriculture (DA) ang suggested retail price (SRP) ng mga imported na bigas.
Simula Hulyo ay mabibili na lang ang mga imported rice sa halagang P43 kada kilo.
Kasunod ito ng hakbang ng pamahalaan na gawing 15% sa halip na 35% ang taripa sa imported na bigas.
Ayon sa DA, makatutulong din ang tapyas sa price ceiling pagdating sa inflation.
ADVERTISEMENT



