Pinabibilis ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pagpapatapos ng National Flood Master Plan bilang bahagi ng mas malawak na stratehiya para sa water security ng bansa.
Ayon kay Environment Secretary Raphael Lotilla, nakatuon ang plano sa pinagsamang paggamit ng nature-based solutions at matatag na imprastraktura upang mapahusay ang flood management.
Binigyang-diin din niya ang mahalagang papel ng inter-agency coordination upang masiguro na nakaayon ang mga proyekto sa Integrated Water Resources Management Plan at mga river basin strategy.
Kasama sa plano ang pagtatayo ng multipurpose upstream dams upang magsilbi hindi lamang para sa flood control kundi pati sa irigasyon, potable water supply at iba pang produktibong gamit.



