‘Demolition Job’: Escudero, sinalag ang paratang na dawit umano sa paglustay ng flood control funds

📅  |  ✏️ Updated

Tiwala si Senate President Francis Escudero na isang demolition job laban sa kanya at kay Senate Majority Leader Joel Villanueva ang isyu ng umano’y paglustay nila sa flood control funds.

Ayon sa senate president, wala siyang kinalaman dito at kailanman ay hindi humiling ng insertions na ₱‎150 billion para sa kanyang probinsya noong binubuo ang 2025 National Budget.

Posible rin aniyang, may kinalaman ito sa pulitika lalo nitong mga huling linggo ng 19th Congress kung saan naging matunog pa rin ang pangalan niya na mananatiling lider ng Senado.