Demolisyon sa Tondo, Maynila, napuno ng tensyon

📅

Nagkaroon ng matinding tensyon sa pagitan ng mga residente sa Abad Santos, Tondo Maynila at demolition team na nauwi sa riot.

Nahirapan ang mga awtoridad na paalisin ang mga residente dahil sa walang humpay na paghahagis nito ng bato at bote sa mga demolition team.

Binakuran rin ng yero upang hindi mapasok ang informal structures ng mga demolition team at mga pulis kaya napwersa silang gibain ito.

Dalawang pulis naman at isang miyembro ng demolition team ang sugatan!