Demolisyon sa Muntinlupa, nauwi sa gulo; 32 sugatan, 3 arestado | News Light

📅
👤 Newslight  |  📂 News Light, Latest News

Tatlumpo’t dalawa ang sugatan at tatlo naman ang naaresto sa naganap na demolisyon sa ICC Compound, Barangay Cupang, Muntinlupa City, nitong Lunes.

Ito ay matapos mauwi sa gulo at batuhan ang tensyon habang pilit na ipinaglalaban ng mga residente ang kanilang mga bahay laban sa mga pulis.

Samantala, sa gitna ng kumosyon, nakuhanan sa video ang isang miyembro ng SWAT na may hawak na baril sa taas ng bubong ng isang bahay.

Paliwanag ng Muntinlupa PNP, ipinuwesto ang operatiba dahil sa ulat na may mga taong nagtatago sa compound na posibleng armado ng improvised firearms.

Ito ay bunga ng desisyon ng korte na hindi pagbigyan ang mosyon na inihain ng lokal na pamahalaan para suspendihin ang demolisyon.

ADVERTISEMENT

Dahil dito, nananawagan ang mga residente ng sapat na relokasyon at pinansiyal na tulong para makapagsimula muli.

Ayon kay Mayor Ruffy Biazon, tig-sampung libong piso ang ipamimigay na ayuda. Ngunit, tatlong daan lamang sa halos apat na libong pamilya ang pasok sa opisyal na census at makatatanggap ng nasabing tulong. (Pink Feliciano/ News Light)