Napa-trip down memory lane nga ang maraming fans nang sorpresang lumabas ng stage at nagperform si Demi Lovato kasama si Joe Jonas ng Jonas Brothers sa kalagitnaan ng Jonas-20 tour sa Metlife Stadium kamakaikan.
Nagsimula ang sorpresa nang alalahanin ng Jonas Brothers ang kanilang experience sa “Camp Rock” kung saan gumanap bilang Mitchie Torres si Demi at Shane Gray si Joe.
Unang inawit ng former lovers at on-screen partners ang “Gotta find you” bago tuluyang pakiligin ang fans sa sikat na sikat nilang duet sa “This is me.”
Kwento ng magkakaibigang teenagers sa isang summer music camp ang musical film na siya ring breakout role and event sa career ni Demi.



