Deliberasyon ng bicam hinggil sa 2026 national budget, mapapanood ng publiko via livestream — Marcos Jr. | News Light

📅  |  ✏️ Updated

Maaari nang bantayan ng publiko ang magiging deliberasyon ng bicameral conference committee hinggil sa 2026 national budget.

Iyan ang inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Miyerkules, October 15.

Ayon sa Pangulo, mapapanood ang budget deliberation via livestream para mabantayan ng publiko kung may kwestyonableng insertions ang mga kongresista.

Magiging malinaw din sa livestream kung sinu-sinong mga mambabatas ang magtatangkang maglagay ng insertions.

Ayon pa sa Pangulo, hindi na bubuo ng small committee ang bicam kung saan kadalasang nangyayari ang insertions.

ADVERTISEMENT

Sa halip, magiging public hearing ang budget deliberation.

Ang desisyon ng Pangulo na i-livestream ang deliberasyon ng budget ay hakbang, aniya, ng pamahalaan para maging transparent sa taumbayan, kasunod ng isyu ng katiwalian dahil sa maanomalyang flood control projects at iba pang government infrastructures na lumusot sa 2025 national budget dahil sa insertions.

Sinang-ayunan nina Senate President Tito Sotto III at House Speaker Faustino Dy III na i-livestream ang deliberasyon ng budget.