Handa nang harapin ng defense team ni Vice President Sara Duterte ang impeachment trial sa harap ng anila’y paglabag sa konstitusyon sa mga kasong inihain laban sa kanya.
Sa gitna ng batikos mula sa mga legal experts at sektor ng akademiya sa pagkaantala ng Senado sa paglilitis, naglabas ng pahayag ang depensa ng pangalawang pangulo.
Ayon sa kampo ni Duterte, hindi dapat gawing sandata ang impeachment para patahimikin ang mga kalaban sa politika.
Anila, kung ipagpapatuloy ng Senado ang paglilitis, handa silang pabulaanan ang mga alegasyon..
Matatandaang naiharap na sa Senado ang articles of impeachment noong February 5, pero inusog nang inusog ni Senate President Escudero ang pagtalakay hanggang June 11, na siyang huling araw ng sesyon ng 19th Congress.