‘Death penalty o Muntinlupa?’: Sen. Dela Rosa, mas pipiliin ang kulungan kaysa sa death penalty

📅

Gustong ibalik ni Sen. Bato Dela Rosa ang death penalty para sa mga corrupt na mga opisyal.

Sa senate hearing sinabi ni Sen. Bato na mas matatakot ang mga tiwali kung bitay ang parusa.

Sumang-ayon naman dito ang dating DPWH Usec. Roberto Bernardo.

Nagbiro naman si Sen. Ping Lacson na mas pipiliin niya ang bitay kesa mabilanggo sa kulungan.

Bagamat isinusulong ang death penalty, bigla namang pumihit si Sen. Bato at sinabing mas gusto niya ang makulong sa Muntinlupa City kaysa mabitay dahil puwedeng “mag-negosyo” sa loob ng kulungan.

ADVERTISEMENT

Agad naman itong pinabura sa record ni Senate President Tito Sotto.

Matatandaang nasasangkot si Sen. Dela Rosa sa war on drugs ng duterte administration kung saan PNP chief siya noong ipinatupad ito.