Pinalawig ng Department of Agriculture hanggang katapusan ng Hunyo ang deadline sa pag-isyu ng import permits para sa isda at seafood upang bigyan ng sapat na oras ang mga importer na makasunod sa bagong patakaran.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., hindi mababang demand kundi mga sistemikong isyu at masikip na timeline ang dahilan kung bakit 25 porsyento pa lamang ng 25,000 metric tons na inaprubahang volume ang dumarating sa bansa.
Kabilang sa mga pinapayagang iangkat ay salmon, tuna by-products, pusit, scallops, octopus, at lobster—mga uri ng lamang dagat na kulang sa lokal na suplay.