De Lima, nagbabala sa pag-atras ng korea sa pagpapautang sa bansa; puwedeng gayahin ng iba kung hindi masosolusyonan ang korapsyon

📅

Kaugnay niyan binanatan ni Mamamayang Liberal Party-list Rep. Leila De Lima ang anomalya sa mga proyekto ng gobyerno sa gitna ng isyu ng pagpapahinto umano ng loan project ng South Korea sa Pilipinas.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ni De Lima na “nakakahiya” ang malawakang korapsyon na nangyari noong panahon ni Pang. Rodrigo Duterte kasama na ang flood control projects at Pharmally issue.

Sa privilege speech naman ni De Lima nitong hapon, sinabi niya na hindi na kataka-taka kung magdududa ang mga bansang dayuhan sa kakayahan ng Pilipinas na magpatupad ng mga proyekto kasabay ng korapsyon.

Dagdag pa niya, posibleng sumunod rin ang iba pang kaalyadong bansa sa ginawang pag-atras ng suporta ng South Korea sa Pilipinas kung hindi masasawata ang korapsyon.

ADVERTISEMENT

Isa si De Lima sa nagsusulong ngayon ng independent commission na mag iimbestiga ng korapsyon sa pamahalaan.