DBM, aprubado na ang karagdagang 10,000 non-teaching positions at 16,000 teaching positions sa S.Y. 2025–2026

📅 May 23, 2025 01:33 PM PHT  |  ✏️ Updated May 23, 2025 01:33 PM PHT
👤 Newslight  |  📂 News Light, Latest News

Aprubado na ng Department of Budget and Management (DBM) ang karagdagang 10,000 non-teaching positions at 16,000 teaching positions sa mga pampublikong paaralan para sa school year 2025 to 2026.

Kabilang sa mga inaprubahang positions ay para sa Administrative Officer II na may salary grade 11 sa elementary to senior high school.

Layon nitong maparami ang bilang ng mga education personnel sa bansa.

Nitong nakaraang Marso, matatandaang una nang sinabi ni Department of Education Secretary Sonny Angara ang pag-ha-hire ng 7,062 school-based administrative support staff para tulungan ang mga guro sa kanilang non-teaching tasks.