Davao City Vice Mayor-elect Baste Duterte, pinalitan muna si Sen. Robin Padilla bilang pinuno ng PDP Laban

📅 June 17, 2025 12:44 PM PHT  |  ✏️ Updated June 17, 2025 05:59 PM PHT
👤 BALITANG A2Z  |  📂 Balitang A2Z, Latest News

Pansamantalang pinalitan ni Sebastian “Baste” Duterte si Senador Robin Padilla bilang acting president ng PDP Laban.

Ayon sa PDP Laban, nag-leave muna si Padilla para tutukan ang trabaho bilang senador sa 20th Congress.

Base sa rule of succession ng partido otomatikong uupo si Baste bilang executive vice president.

Sa kabila nito, tiniyak naman ni Padilla na mananatili siyang tapat sa PDP Laban at kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Matatandaang muling nahalal si Baste bilang Vice Mayor ng Davao City nitong may 2025 midterm elections.