‘Totoo pala ang Diyos’
Iyan ang napagtanto ni Maria Sofia Love, dating transgender at ngayo’y nabago ang buhay nang makilala niya at tinanggap ang Panginoong Diyos.
Sa social media, ibinahagi niya ang kanyang buhay noong hindi pa siya nakikilala sa Panginoon.
Pagmamahal mula sa iba at approval ng ibang tao ang kanyang hinahanap na akala niya’y magpupuno sa kakulangan ng kanyang buhay.
Ngunit isang araw, nakita ni Maria Sofia Love ang kanyang sarili bilang lalaki, maging aniya ang kanyang mga pagkakamali, at ang rason kung bakit siya nagkaroon ng same-sex attraction.
Sa isang iglap, siya ay naliwanagan at hindi niya man ito maipaliwanag, naniwala siyang ito ay pagkilos ng Panginoon.
ADVERTISEMENT
Dagdag niya, siya ay nagkaroon ng pagsisi sa kanyang puso at tuluyan na siyang tumalikod sa mundo.
Hiling niya na makita at maranasan rin ng iba ang kabutihan ng Diyos sa kanilang buhay.



