Dating Senate president Chiz Escudero, idinawit si Martin Romualdez sa gusot ng flood control | News Light

📅  |  ✏️ Updated

Damay si Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez sa kontrobersiya ng flood control projects matapos ang akusasyon ni dating Senate President Chiz Escudero na siya at iba pang senador ang mastermind nito.

Ayon kay Escudero sa isang pahayag, si Romualdez umano ang dahilan ng nangyayaring sarswela at kaguluhan upang protektahan ang kanyang sarili.

Maaalalang ilang indibidwal na rin ang nagdawit kay Romualdez sa korapsyon sa flood control projects, kabilang ang mga government contractor na sina Sarah at Curlee Discaya.

Tumestigo rin si Orly Guteza, dating tauhan ni Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co, laban kay Romualdez; sinabing nagdala umano ito ng milyong piso sa bahay ng dalawa mula Disyembre 2024 hanggang Agosto ngayong taon.

ADVERTISEMENT

Kinuwestiyon din ni Escudero ang kawalan ni Romualdez sa mga imbestigasyon, at iginiit na ang “script” umano nito at ng kanyang mga kaalyado ay sadyang ginugulo ang atensyon ng publiko, media at Kamara.

Mariin namang pinabulaanan ni Romualdez ang lahat ng akusasyon. (Denniel Salayo/ News Light)