Dating Sen. Bong Revilla, nagsumite ng counter-affidavit sa DOJ sa flood case | News Light

📅

Personal na nagsumite ng counter-affidavit sa Department of Justice (DOJ) si dating senador Bong Revilla kasabay ng graft complaint sa kanya matapos maiugnay sa umano’y maanomalyang flood control projects sa Bulacan.

Umiwas sa media si Revilla pero giit ng kanyang abogado, puro kasinungalingan lang daw ang mga alegasyon.

Naglagay na rin daw si Revilla ng mga ebidensya para patunayan ang kanyang panig.

Isa si Revilla sa limang tinitingnan ng DOJ na umano’y nasasangkot sa maanomalyang flood control.

ADVERTISEMENT

Habang umaasa naman ang kampo ni Revilla na magiging patas ang Justice Department at hindi na uusad ang reklamo hanggang korte.