Dating PNP chief PGen. Rodolfo Azurin Jr., opisyal nang nanumpa bilang bagong special adviser ng ICI

📅

Kasabay ng panunumpa ngayong lunes ni dating PNP chief Rodolfo Azurin Jr. bilang special adviser ng Independent Commission for Infrastructure.

Sinabi niyang may mga bagong kaso na naman silang ire-refer sa Office of the Ombudsman para kasuhan.

Samantala, posible ring isyuhan ng contempt order si dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co kung hindi ito dadalo sa pagdinig ng komisyon sa October 14.