Pormal nang nanumpa si dating PNP chief Benjamin Acorda Jr. bilang bagong chairperson ng Presidential Anti-Organized Crime Commission o PAOCC kapalit ni Gilbert Cruz na namuno sa ahensiya mula 2022.
Miyembro ng PMA class of 1991 si Acorda at dating PNP chief na kilalang pioneer ng PNP Anti-Cybercrime Group at dating namuno sa integrity monitoring at enforcement group.
Habang sa ilalim ni Cruz, nanguna ang PAOCC sa mga malaking operasyon laban sa mga illegal na POGO at scam syndicates kabilang ang pagpapa-deport ng mga iligal na dayuhan at ang paghuli kay dating Bamban Mayor Alice Guo.
Pinangunahan din ng komisyon ang kampanya laban sa mga illegal online lending apps na umabot sa mahigit labintatlong libong reklamo ng publiko.
ADVERTISEMENT
Itinatag ang PAOCC noong 2000 para tugisin ang mga organisadong krimen at mga tiwaling opisyal na kasabwat nito.



