Dating PCol. Royina Garma, handang tumestigo VS Ex-Pres. Duterte, ayon sa DoJ

📅

Inihayag ng Department of Justice na handang tumestigo laban kay dating Pang. Rodrigo Duterte ang dating police colonel na si Royina Garma.

Umalis si Garma papuntang Malaysia noong Linggo ng gabi para makausap ang mga kinatawan ng International Criminal Court.

Matatandaan noong nakaraang taon diretsahang inugnay ni Garma si Duterte sa cash reward system ng kanyang madugong war on drugs na kilala bilang ‘Davao model.’

Giit ng DoJ, mahalaga ang pagbibigay ng testimonya ni garma sa ICC kasama na rin ang kaso ng pagpatay kay pcso board secretary Wesley Barayuga.

ADVERTISEMENT

Kasong murder at frustrated murder ang kinakaharap ni Garma ukol sa pagpatay kay Barayuga noong 2020.