Kumpiyansa ang abogado ng mga biktima ng extrajudicial killings (EJK) na si Atty. Kristina Conti sa paglabo ng tiyansang makakabalik pa sa bansa si former President Rodrigo Duterte at patuloy na litisin sa International Criminal Court (ICC).
Ani Conti, batid ng korte na totoo ang mga alegasyon kay Duterte, pati na ang nasa kapangyarihan pa rin ang pamilya nito; magkaroon man ng apela, mananatili pa ring maliit ang tiyansang mapagbigyan ang paglaya ng dating presidente.
Pagtutuloy pa ni Conti, maaaring ikonsidera ng ICC na ilipat si Duterte sa ibang bansa, gayong kahit hindi pa pinal ay may tumanggap na umano dito.
Hinggil sa kaso, nauna nang kinumbinsi ng Office of the Public Counsel for Victims na ibasura ang apela sa paglaya ni Duterte dahil sa kawalan nito ng pruwebang may pagkakamali sa desisyon ng Pre-Trial Chamber.
ADVERTISEMENT
Sa kabila naman ng pansamantalang pagpapaliban ng pagdinig, siniguro ng ICC ang hurisdiksiyon nito sa kaso. (Denniel Salayo/ News Light)



