Dating Pangulong Rodrigo Duterte, humiling ng pansamantalang paglaya mula sa ICC | News Light

📅 June 13, 2025 12:14 PM PHT  |  ✏️ Updated June 13, 2025 12:14 PM PHT
👤 Carlene Latuna  |  📂 Pulitika, Latest News, News Light

Pormal na naghain ang kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ng interim release o pansamantalang paglaya mula sa kanyang pagkakakulong sa International Criminal Court (ICC).

Ayon sa inihaing dokumento, isang undisclosed na bansa ang pumayag at handang tumanggap kay Duterte sa kanilang teritoryo.

Ayon sa kanyang counsel na si Nicolas Kaufman, wala na umanong sapat na dahilan para siya’y ikulong bago ang simula ng paglilitis sa Setyembre.

Hindi rin aniya flight risk ang dating pangulo, at ang kanyang edad ay itinuturing na “humanitarian ground” para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Tiniyak ng kampo ni Duterte na hindi manganganib ang proseso ng paglilitis sakaling ito’y payagang makalaya.

Dagdag pa rito, pumayag ang dating pangulo na huwag makipag-ugnayan sa publiko o sinumang hindi kabilang sa kanyang pamilya.

Hindi rin umano gagamit ng internet o electronic device si Duterte.

Ayon kay Kaufman, hindi tumutol ang ICC prosecution sa kanilang hiling.

Magugunitang inaresto at dinala si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ICC noong Marso.