Mas lumala pa ang pagiging ulyanin ni dating pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon yan sa legal counsel niyang si Nicholas Kaufman sa mosyon na isinummite nito sa Pre-Trial Chamber I ng International Criminal Court (ICC).
Ipinaglalaban ni Kaufman ang indefinite adjournment ng kaso ni Duterte.
Ibig sabihin, gusto ni Kaufman na ipagpaliban muna ang paggulong ng kaso nang walang tiyak na petsa kung kailan itutuloy.
ADVERTISEMENT
Ang depensa niya, hirap na si Duterte na tandaan ang mga bagong impormasyon pati ang mga pangyayari, lugar, at oras na mahalaga sa paggulong ng kanyang kaso.
Hirap na rin aniya si Duterte na alalahanin ang mga miyembro ng kanyang pamilya at defense team.
Ayon pa kay Kaufman, nalilito ang dating pangulo kung bakit siya nakakulong sa ICC.
Kinumpirma ang kondisyon ni Duterte ng dalawang doktor na pinili ng defense team at ng isang neuropsychologist mula mismo sa ICC detention center.
ADVERTISEMENT
Dahil dito, hindi na raw maaaring sumalang sa ICC ang dating pangulo na humaharap pa rin sa kasong crimes against humanity dahil sa mga pagpatay na inutos niya bilang presidente noong panahon ng drug war at pagpatay ng Davao Death Squad noong mayor siya ng Davao mula 2011 hanggang 2016.
Si Duterte ay 80 years old na.
Nakatakda sana ang confirmation of charges sa September 23 pero ipinagpaliban na ito dahil sa mosyon ni Kaufman.
May isa pang mosyon si Kaufman sa ICC na interim release o pansamantalang kalayaan ni Duterte.
ADVERTISEMENT
Nauna na itong kinondena ng mga kaanak ng biktima ng drug war.
Hindi anila sila kumbinsido sa mosyon ni Kaufman at si Duterte ay nagda-drama lang.



