Dating Pangulong Duterte, naghabilin umano na i-cremate siya sakaling bawian na siya ng buhay sa the Netherlands

📅
👤 BALITANG A2Z  |  📂 Balitang A2Z

Ipinahayag ni Vice President Sara Duterte na nagbigay ng huling habilin ang kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos lamang ang ilang buwang pananatili sa detention facility ng International Criminal Court.

Ayon sa dating pangulo, nais niya na i-cremate siya sa Netherlands kung doon siya mamamatay.

Ayaw na raw kasi umanong ipauwi pa ng dating pangulo ang kanyang bangkay at abo na lamang ang nais ibalik sa Pilipinas.

Kasalukuyang nakapiit si dating Pangulong Duterte sa the Hague dahil sa kasong crimes against humanity kaugnay ng kanyang war on drugs.

ADVERTISEMENT

Samantala, tinawag ito ng Palasyo na isang ‘usaping pamilya’ lamang na dapat igalang.