Nag-apply na bilang state witness hinggil sa maanomalyang flood control projects si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary Roberto Bernardo.
Ayon kay Independent Commission for Infrastructure (ICI) Executive Director Atty. Brian Hosaka, sa halip na dumalo sa hearing ngayong Lunes, nagpadala si Bernardo ng sulat na nagpapaliwanag na hindi siya makakarating, pero kasabay nito ang paga-apply niya sa Witness Protection Program (WPP).
Ayon naman sa ICI, may confidentiality clause sa WPP na nagbabawal kay Bernardo na maglabas ng anumang detalye habang nakabinbin ang kanyang aplikasyon.
Isinumite rin niya ang kanyang second supplementary affidavit, ang parehong affidavit na binasa niya sa Senate Blue Ribbon Committee noong nakaraang linggo.
ADVERTISEMENT
Matatandaang idinawit ni Bernardo sina Sen. Chiz Escudero, dating senators Bong Revilla at Nancy Binay, at resigned Ako Bicol Rep. Zaldy Co at iba pa dahil sa umano’y katiwalian sa flood control projects.
Giit ni Bernardo, 15 hanggang 25 percent ang umano’y kickback na natatanggap ng mga opisyal sa bawat proyekto.



