Pumanaw ang dating boxing world champion na si Ricky Hatton sa edad na 46, dalawang buwan matapos ianunsyo ang kanyang pagbabalik sa ring makalipas ang 13 taong pagreretiro.
Natagpuan siyang wala nang buhay sa kanyang tahanan sa Hyde, northwest England, ayon sa pulisya ng Greater Manchester.
Kinumpirma ng mga awtoridad na walang nakikitang kahina-hinalang dahilan sa kanyang pagkamatay.
Nakidalamhati rin ang Filipino boxing icon na si Manny Pacquiao sa pagpanaw ng dating katunggali, na itinuturing bilang isa sa pinakapopular na British boxer ng kanyang henerasyon.
ADVERTISEMENT
Si Hatton, na tinaguriang “The Hitman,” ay nagwagi ng maraming titulo sa light-welterweight at welterweight divisions at nakilala sa kanyang agresibo at fan-friendly na istilo ng paglaban.
Nagtala siya ng 45 panalo sa 48 laban simula nang mag-debut noong 1997, kabilang ang mga malalaking tagumpay laban kina Kostya Tszyu at Jose Luis Castillo, bago natalo kina Floyd Mayweather Jr. at Manny Pacquiao.



