Dalian trains ng MRT-3, muling bumiyahe makalipas ang 8 taon | News Light

📅  |  ✏️ Updated

Muling bumiyahe ang mga Dalian trains ng MRT-3 na hindi nagamit mula pa noong 2016.

Tatlong bagong tren na may tig-tatatlong bagon ang naibalik na sa riles.

Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., 48 ang nabili pero hindi ginamit kaya naman minabuti na balikan ito para mapakinabangan na.

Ayon sa DOTr, inayos ng manufacturer na Dalian Co. ng China ang mga bagon nang walang gastos sa gobyerno para maiwasan ang mga dating problema pagdating sa compatibility.

Una itong binili noong 2014 sa ilalim ni dating Pangulong Noynoy Aquino. Kayang magsakay ng higit 1,200 na pasahero pero hindi nagamit dahil overweight at may safety issues, batay sa eksplanasyon noon ni Transportation Sec. Jaime Bautista.

ADVERTISEMENT

Samantala, nakapasa na sa safety check ng Japanese maintenance provider na Sumitomo ang mga bagong pumasadang tren na may speed interval na humigit dalawang minuto lamang kada dating ng bagon sa mga station.

Target ng gobyerno na paganahin ang mas marami pang Dalian trains para makapagsilbi sa mas maraming pasahero.