Dalawang empleyado ng Israeli Embassy ang napatay matapos pagbabarilin ng isang armadong lalaki sa harap ng Capital Jewish Museum sa Washington, DC noong May 21.
Ayon sa mga awtoridad, sumigaw ang suspek ng “Free Palestine” bago magpaputok ng baril.
Kinilala ang suspek na si Elias Rodriguez, 30 taong gulang mula Chicago, at agad na naaresto sa loob ng museo matapos ang pamamaril.
Ayon sa Israeli Ambassador, ang dalawang biktima ay magkarelasyon at nagpaplano na ng kasal.
ADVERTISEMENT
Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa motibo ng krimen.



