Mga ka-A2Z aba’y magtipid-tipid po uli sa konsumo ng kuryente.
Muli po kasing tataas ang singil ngayong July, ayon sa Meralco.
Magdadagdag ng 49 centavos kada kilowatt hour sa bill dahil sa mas mataas na generation at transmission charges.
Katumbas ito ng taas-singil na 98 pesos sa kada 200 kilowatt hour 146 pesos sa 300 kilowatt hour habang 195 pesos naman ang taas sa kumukunsumo ng 500 kilowatt hour at 244 pesos naman sa may konsumong aabot ng 500 kilowatt hour.
ADVERTISEMENT
Paliwanag ng Meralco, tumaas ang presyo ng kuryente mula sa mga power supply agreements at independent power producers dahil sa mahal na presyo ng fuel sa world market at mahinang palitang ng piso.
Kaya naman po, dapat maghanda po tayong mga konsyumer sa mas mataas na bayarin sa kuryente ngayong buwan.



