Dagdag-presyo sa petrolyo, epektibo na | News Light

📅  |  ✏️ Updated

Abiso para sa mga motorista: epektibo na ngayong araw ang bigtime oil price hike.

Sa abiso ng mga kumpanya ng langis, mahigit ₱5 ang taas sa kada litro ng diesel, ₱3.50 sa gasolina, habang ₱4.80 naman ang taas sa kerosene.

Nakiusap naman ang Department of Energy (DOE) sa mga oil companies na hatiin sa dalawang bagsakan ang taas-presyo.

Para sa Shell, SeaOil, at Petron, 50% ng taas-presyo ang aarangkada ngayong Martes, habang ang susunod na 50% ay epektibo sa Huwebes.

ADVERTISEMENT

Samantala, ang pagtaas ng presyo ay bunsod ng lumalalang tensyon sa Middle East at ng inaasahang epekto nito sa suplay ng krudo sa pandaigdigang merkado.