Inaasahang muling sisipa ang presyo ng produktong langis ngayong linggo batay sa 4-day trading.
Sa abiso ng Department of Energy, pagtatantiya ng mga industry source, maglalaro sa ₱0.95 hanggang ₱1.40 ang dagdag sa bawat litro ng gasolina.
Posibleng umabot naman sa ₱2 ang itataas sa kada litro ng diesel.
Habang hanggang ₱1.40 naman ang maaaring madagdag sa kada litro ng kerosene.
Bunsod ang pagtaas ng presyo ng kasunduan ng U.S. at China na bawasan ang taripa sa mga inaangkat na produkto sa loob ng siyamnapung araw at pagpataw ng U.S. ng sanction o parusa sa mahigit 20 kumpanyang kasali sa oil trade ng Iran.
ADVERTISEMENT
Inaasahan naman ang pagbagal ng suplay ng langis ngayong taon ayon sa OPEC, kasunod ng mababang capital spending dahil sa pagbaba ng presyo ng mineral.



