Dagdag na ₱1,000 sa honoraria ng mga guro na nagsilbi sa eleksyon, inanunsyo ng Palasyo

📅
👤 Giselle Crazo  |  📂 News Light
File photo

Inanunsyo ng Malacañang ang dagdag na ₱1,000 na honoraria sa mga guro at poll workers na nagsilbi sa halalan ngayong 2025.

Dagdag ito sa naunang ₱2,000 nitong Mayo.

Dahil dito, makakatanggap ng kabuuang ₱13,000 ang chair ng Electoral Board, habang ₱12,000 naman ang makukuha ng ibang miyembro tulad ng poll clerk.

Ayon sa Comelec, matatanggap ng mga poll workers ang kanilang allowance sa loob ng sampung araw pagkatapos ng halalan.

ADVERTISEMENT

Iniulat naman ng DepEd na umabot na sa mahigit 250,000 poll workers ang nakatanggap ng honoraria mula Mayo 13.

Mahigit ₱4.1 bilyon ang inilaang pondo ng pamahalaan para sa hakbang na ito.