Isinusulong ng Commission on Elections (COMELEC) ang automatic increase ng honoraria ng mga guro kada eleksyon sa bansa.
Ito ay kasunod ng hindi pagkakaroon ng dagdag sa honoraria ng mga guro para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Disyembre.
Dahil dito, babalik sa ₱10,000 ang allowance ng electoral board chairperson, ₱9,000 para sa vice chairperson o secretary, at ₱8,000 para sa board clerk/staff.
Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, idudulog nila sa Pangulo na dagdagan muli ang honoraria sa BSKE tulad noong katatapos lamang na midterm elections.
Bukod nga dito, ang dagdag honoraria kada eleksyon ang isinusulong ng ahensya dahil na rin aniya sa pagtaas ng gastusin.