Dagdag-bawas sa petrolyo, epektibo na | News Light

📅  |  ✏️ Updated

Epektibo na ang bawas-presyo ng gasolina ngayong araw.

Aabot nga lang sa kakarampot na ₱0.20 kada litro ang bawas sa presyo.

Ito ang unang rollback matapos ang anim na linggong sunod-sunod na paggalaw ng presyo.

Habang ang diesel at kerosene tataas pa rin ang presyo ng hanggang ₱0.90 kada litro.

ADVERTISEMENT

Ayon sa Oil Industry Management Bureau, nakakaapekto sa presyo ang banta ng Estados Unidos na magpataw ng taripa sa Europa, lalo na kapag bumili ang mga ito ng langis mula Russia.