Dagdag-bawas sa produktong petrolyo ang sasalubong sa mga motorista ngayong linggo.
Sa abiso ng Department of Energy, nasa ₱0.20 ang dagdag sa kada litro ng gasolina.
Habang ₱0.20 hanggang ₱0.40 naman ang bawas sa kada litro ng diesel at kerosene.
Samantala, ang dahilan ng dagdag-bawas ay bunsod ng pagkakaroon ng peace talks sa pagitan ng Ukraine at Russia.



